Tagalog news: Comelec-Palawan, hinikayat ang mga mamamayan na magparehistro na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 10 (PIA) — Hinihikayat ng Commission on Elections (COMELEC)-Palawan ang lahat ng mga mamamayan sa lalawigan na samantalahin ang panibagong voters registration.

Ang rehistrasyon na ito ay para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa taong 2017.

Muling binuksan ng Comelec ang pagrerehistro ng mga botante noong Nobyembre 7, na magtatagal hanggang Abril 29, 2017 ayon na rin sa Comelec En Banc Resolution No. 10166 na inilabas noong Oktubre 25.

Ito ay mula Lunes hanggang Sabado kasama rin ang mga holiday maliban na lamang sa Disyembre 24 at 25.

Ayon kay Jomel Ordas, tagapagsalita ng Comelec-Palawan, hinihikayat nila ang lahat ng mga maaari ng bomoto sa darating na halalan ng Barangay at SK na magparehistro na habang maaga pa. Huwag na aniyang hintayin pa ang deadline bago tumungo sa mga tanggapan ng Comelec sa mga munisipyo upang maiwasan ang pagsisiksikan at matagal na pagpila.

Inaasahan din ani Ordas na makakapagtala sila ng nasa 50,000 mga bagong botante, kasama na dito ang mga dating botante na nawala sa listahan at muling magpaparehistro.

Maaari na rin aniyang mag-appy ng paglilipat ng barangay ang mga botante lumipat na nang kanilang permanenteng tirahan.

Para sa SK Elections ang mga kabataang nasa 15-17 taong gulang ay maaari ng magparehistro at 18 taong gulang naman pataas ang maaaring magparehistro para sa Barangay Elections.

Ang Batas Republika Bilang 10923 na nagpapaliban ng Barangay at SK Election ay nilagdaan ng Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Oktubre 15. (OCJ/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s