Tagalong news: Pelikulang ‘Taghoy’ ng CNHS, panalo sa provincial at regional short film contest

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 9 (PIA)—Matapos manguna ang ‘Taghoy’ sa panlalawigang kompetisyon ng short film, ay muli nitong nakupo ang unang pwesto sa regional level kamakailan.

Ayon kay John Reynold Mulingbayan, Population Program Worker ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang ‘Taghoy’ ay kwento ng mga hinaing ng isang pamilya, na napilitang lumikas ng tirahan at dumanas ng iba’t ibang pagsubok sa buhay.

Ito ay entry ng Calintaan National High School (CNHS) sa ikalawang Provincial Short Film Festival na proyekto ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang Department of Education (DepEd) at Population Commission (POPCOM). Umabot sa 15 film entries ang naglabanlaban sa panglalawigang kumpetisyon ng short film.

Ayon pa kay Mulingbayan, ang patimpalak sa paggawa ng short film ay isang pagsusuri sa talino at galing ng mga magaaral sa lalawigan na nasa Paaralang Pansekundarya.

“Nagsasagawa tayo ng mga trainings on scriptwriting and filming, bago sila gumawa ng short film”, paliwanag ni Mulingbayan.

Ibinabase ng mga kalahok ang kanilang film entry sa iba’t ibang tema, tulad ngayong taon na “Population, Health and Environment”, na nagmula naman sa POPCOM.

Nakatakdang igawad ng PSWDO ang iba’t-ibang parangal sa mga nanalong pelikula sa provincial level, sa ika-15 ng Nobyembre sa Provincial Training Center, kaalinsabay ng pagdiriwang ng Anibersaryo ng Pagkakatatag ng lalawigan.

Igagawad naman ng POPCOM ang parangal sa regional level sa ika-25 ng Nobyembre.

Inaasahan na ilalabas naman ang mga nanalo sa national level sa buwan ng Disyembre. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s