Tagalog news: 7 Community Fish Landing Center, naitayo ng DA-BFAR sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 9 (PIA) — Pitong Community Fish Landing Center (CFLC) na ang naitatayo ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR)-Mimaropa sa Palawan.

Ang mga ito ay matatagpuan sa Bgy. Antipuluan, Narra; Bgy. Salvacion, Busuanga; Bgy. Decabobo, Coron; Bgy. Punta-Baja, Rizal; Bgy. Poblacion, Taytay; Poblacion, Balabac at Bgy. Villapaz sa bayan ng El Nido.

Target naman ng BFAR na malagyan ng CFLC ang lahat ng mga munisipyo sa Palawan hanggang sa taong 2018.

Ayon kay DA-BFAR-Mimaropa Officer-In-Charge Regional Director Elizer S. Salilig, malaki ang maitutulong ng proyektong ito para sa mga mangingisda sa Palawan upang magkaroon na sila ng lugar bagsakan ng kanilang mga huling isda.

Dahil din sa proyektong ito, ani Salilig ay hindi na ibibiyahe pa ng mga mangingisda ang kanilang mga huli upang ibenta sa ibang lugar kundi dito na mismo sa Community Fish Landing Center ay maaari na nilang ipagbili ang mga ito.

Matutulungan din ang mga mangingisda ng proyektong ito na maipreserba ang kanilang mga huling isda kapag hindi pa ito naibenta kaagad dahil mayroon ding malalaking freezer sa CFLC na maaaring paglagakan pansamantala ng mga huling isda.

Dagdag pa ni Salilig, na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagkasira ng mga isda at mabawasan ang pagkalugi ng mga mangingisda sa inaasahan nilang kita.

Ang proyektong CFLC ay nakapaloob sa programang Targeted Actions to Reduce Poverty and Generate Economic Transformation (TARGET) na naglalayong mai-angat ang kabuhayan ng mga fisherfolk community na may mataas na insidente ng kahirapan. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s