Tagalog news: LGU Puerto Princesa, ginawaran ng Seal of Local Good Governance

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 7 (PIA) — Muling tumanggap sa ikalawang pagkakataon ng Seal of Local Good Governance ang Puerto Princesa City Government na iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na SGLG National Conferment Ceremony sa Manila.

Ang parangal ay resulta ng ikalawang serye ng pagtatasa ng kagawaran, kung saan pumasa ang pamahalaang lungsod sa kategoryang maayos na pamamahala sa pananalapi.

Naipasa ng Puerto Princesa ang lahat ng mga karaniwang katangian sa mga pangunahing panuntunan na siyang naging batayan ng marka para sa patimpalak. Kinapapalooban ito ng Pamamahalang pinansyal; Panlipunang proteksyon; at kahandaan sa panahon ng kalamidad.

Naabot din ng lungsod ang dalawang sukatan para sa tatlong mahahalagang saklaw ng panuntunan tulad ng kapayapaan at kaayusan at pangkalikasang pamamahala.

Inaasahan na ang parangal na natanggap ay magbibigay ng pagkakataon sa lokal na pamahalaan partikular na sa pagkakaroon ng ‘performance challenge fund’ na maaaring magamit para sa mga programa at proyektong ipatutupad ng lungsod. Kaakibat din nito ang Good Financial Housekeeping Certification na malaking bagay upang agad mapayagan ang pamahalaan na makahiram ng pera mula sa iba’t ibang institusyon.

Kaugnay nito, sa unang bahagi palang ng kasalukuyang taon, hinimok ng DILG na magkaroon ng “Upward trend of remittances” sa Government Service Insurance System (GSIS) upang makapasa sa rebalidasyon ng marka sa pangatlong kwarter ng taon. Sa nasabing hakbang, hindi nabigo ang pamunuan ng lugsod sapagkat nasa 85-90 porsiyento ang koleksiyon ng utang na naibabayad sa GSIS.

Samantala, bilang kinatawan ng pamahalaang lungsod, iniabot kay Vice Mayor Luis Marcaida lll ang parangal kasama si City DILG Director Rey Maranan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

uioui

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s