Tagalog news: Bagong provincial director ng PNP Romblon, pormal ng nanungkulan

ROMBLON, Romblon, Nob. 7 (PIA) — Pormal nang nanungkulan noong Nobyembre 3 bilang Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office (RPPO) si Police Superintendent Leo E. Quivido na kapalit ni Police Senior Superintendent Juan B. Añonuevo.

Ang seremonya ng pagpapalit ng liderato ng PNP Romblon ay isinagawa sa Mimaropa Police Regional Office sa lungsod ng Calapan.

Sa kanyang maikling talumpati ay nangako ang bagong director na kanyang ipagpapatuloy ang mga nasimulan ng kanyang hinalilihang direktor at paiigtingin pa ang mga kampanya laban sa kriminalidad at mga ipinababawal na droga sa buong probinsya ng Romblon.

Ayon kay SPO3 Violeto T. Manago Jr., Provincial Executive Senior Police Officer (PESPO), nagpasalamat naman si PSSupt. Añonuevo sa mga taga-Romblon sa magandang pagtanggap kanya at humingi rin ito ng paumanhin kung sakaling may naging pagkukulang siya noong panahon ng kanyang pamumuno. Siya ay halos dalawang taong nanungkulan bilang director ng Romblon Provincial Police Office na nagsimula noong Disyembre 2014.

Ang turn-over ceremony ay pinangunahan ni Regional Director Police Chief Superintendent Wilben M. Mayor na dinaluhan rin ng mga opisyal ng Romblon Police Provincial Office at non-uniform personnel.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s