Tagalog news: 100,000 kilos ng seaweed seedling, nakatakdang ipamahagi ng DA-BFAR sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 7 (PIA) — Umaabot sa 100,000 kilo ng seaweed seedlings ang nakatakdang ipamahagi ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR)-Mimaropa para sa mga mangingisda sa Palawan.

Ito ang inihayag ni DA-BFAR Regional Fisheries Research & Development Center Chief Roberto Abrera sa isinagawang press conference kahapon ng umaga kaugnay ng pagpapatupad ng closed season o ang pagbabawal sa panghuhuli ng isdang galunggong sa bahaging hilagang silangan ng Palawan na nagsimula noong Nobyembre 1 at magtatagal hanggang Enero 31, 2017.

Ayon kay DA-BFAR-Mimaropa Officer-In-Charge Regional Director Elizer S. Salilig, isinagawa na ang public bidding para sa magiging distributor ng seaweed seedlings at kapag handa na ang lahat ay ipamamahagi na ito bago matapos ang taong 2016. Nagkakahalaga aniya ng kabuuhang Php11 milyon ang pondo para sa programang ito.

Ang hakbang na ito ng DA-BFAR ay bilang pagsuporta sa mga mangingisda ng Palawan na nahaharap sa mga suliraning tulad ng closed and open season sa ilang uri ng isda tulad ng galunggong at lapu-lapu.

Ayon naman kay Abrera, sa pamamagitan ng pagtatanim ng seaweed o tambalang ay matutulungan ang mga mangingisda na magkaroon ng alternatibong hanapbuhay sa mga panahon na ipinagbabawal ang panghuhuli ng piling uri ng isda.

Dagdag pa ni Abrera, pangunahing mabibiyaan ng programang seaweed farming ay ang mga mangingisda na rehistrado sa municipal fisherfolk registry ng bawat munisipyo sa Palawan.

Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 30,000 mga mangingisda ang rehistrado na at patuloy pa rin ang isinasagawang pagrerehistro sa iba pang mangingisda na hindi nakasama sa talaan ng munisipyo.

Nasa 25-30 porsiyento naman sa kabuuhang farmable area para sa seaweeds ang nagagamit na ng mga mangingisda, ani Abrera at mayroon pang 70 porsiyento ang hindi nagagamit at ito ngayon ang target ng DA-BFAR para sa mga mabi-benepisyuhan ng programang ito. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s