Tagalog news: Montible water project, inaasahang maaprubahan sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 4 (PIA) — Tiwala si Puerto Princesa City Water District (PPCWD) General Manager Antonio Jesus Romasanta na maisasakatuparan ang matagal nang pina-planong Montible-Lapu-Lapu Water Project sa Barangay Montible, lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay Romasanta, hindi pa ina-aprubahan ng Department of Justice (DOJ) ang panukalang proyekto patubig na ilalagay sa lupang sakop ng Bureau of Correction (BOC), pero naghihintay pa rin aniya ang kaniyang pamunuan ng positibong tugon mula sa DOJ.

Ito na lamang ang hinihintay upang maipatupad ang malakihang proyektong patubig sa lungsod na tutugon sa kakulangan sa naranasan nang kagipitan sa daloy ng tubig.

Ikinasa ang malawakang proyekto upang matugunan ang mga inaasahang kakulangan ng suplay ng tubig sa lungsod dulot ng pagdami ng populasyon na siyang kumukonsumo nito at bilang kahandaan na rin sa panahong nakararanas ang siyudad ng tag-init.

Manggagaling ang tubig sa mga ilog ng Lapu-Lapu at Montible na siyang magiging karagdagan sa kasalukuyang pinanggagalingang ilog sa Barangay Irawan. Ayon sa PPCWD, mas malaki rin ang ilog na ito kung kaya matitiyak ang suplay kahit na dumating ang matinding tag-init.

Base sa datos, may kapasidad ang ilog na makapagbigay ng mahigit 50 milyong litro ng tubig kada araw, mas malaki kumpara sa 25 milyong litro kada araw na kayang ibigay ng ilog-Irawan.

Samantala, ang proyekto ay may kasado nang pondo mula sa utang sa Development Bank of the Philippines (DBP) na tinatayang aabot ng P823 milyon, bagay na tiniyak ng pamunuan ng PPCWD na may kapasidad ang kanilang opisina na magbayad sa paraang hindi maaapektuhan ang kanilang normal na operasyong pananalapi. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s