Tagalog news: Produkto mula kalabasa, itinuro ng FNRI sa 2 samahan sa Occ Min

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 3 (PIA) – Ibinahagi ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ang kaalaman sa paggawa ng veggie noodles at veggie bread mula sa kalabasa kamakailan.

Sa ilalim ng programang ‘Grants-In- Aids (GIA)’ ng Department of Science and Technology (DOST), nagsagawa ang FNRI ng ‘technology transfer’, ng squash veggie noodles sa New Hope Women’s Association (NHWA) ng barangay La Curva, bayan ng San Jose.

Ayon kay Ethelwida Coronacion, DOST Provincial Science and Technology Director, nagkakahalaga ng P5,000 ang nasabing technology transfer at sinagot ito ng Department of Trade and Industry (DTI).

“May bayad ang technology transfer at kapalit nito ang recipe na galing sa FNRI”, paliwanag ni Coronacion. Ang nasabing recipe ay magsisilbing ’trade secret’ ng NHWA sa paggawa ng squash veggie noodles.

Samantala, sinagot naman ng pamahalaang lokal ng Rizal ang ‘technology transfer’ para sa squash veggie bread ng Samahang Mahihirap (SM), na mula sa barangay Rumbang, bayan ng Rizal.

Kalakip ng technology transfer ay ang libreng pagaanalisa sa nutrisyon ng mga produkto na nagkakahalaga ng P15,000. Dahil ito ay pinagaralan ng FNRI, nakaseseguro ang dalawang samahan sa sapat na nutritional value ng kanilang mga produkto. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s