Tagalog news: Mga samahang aplikante ng Grants In Aids Program sa OccMin, sinanay ng DOST

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 3 (PIA)—Sumailalim kamakailan sa ‘Organizational Development Training (ODT)’ ng Department of Science and Technology (DOST) ang Organikong Magsasaka ng Magsaysay Association (OMMA) at ang Magsaysay First Christian School Multi-Purpose Cooperative (MFCSMPC).

Ang MFCSMPC ay isang kooperatiba na may pinangangasiwaang paaralan. Isa rin sa kanilang proyekto ang produksyon ng organic fertilizer mula sa vermin compost.

Ang OMMA naman ay isang samahan ng mga magsasaka ng Magsaysay na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s). Nais ng OMMA na palaganapin ang organic brown rice at nais nilang ilapit sa DOST ang ayuda ng mga kagamitan para sa brown rice milling.

Ayon kay Ethelwida Coronacion, DOST Provincial Science and Technology Director, ang dalawang samahan ay aplikante ng ‘Grants In Aids (GIA)’ ng DOST.

Ang GIA ay tulong ng DOST sa mga samahan na nangangailangan sa teknolohiya o pananaliksik. “Madalas ay equipment ang ibinibigay namin (DOST) at minsan ay kasama na rin ang training, packaging at nutrition analysis”, dagdag paliwanag ng direktor.

Subalit bago maipagkaloob ang GIA ay tinitiyak muna ng DOST na matatag ang organisasyon na kanilang tutulungan, na siyang dahilan kung bakit sumailalim sa ODT ang dalawang samahan. Layunin ng ODT magbigay ng kasanayan sa mga kasapi ng isang samahan upang lalong umunlad at mapalakas ang kanilang organisasyon.

Sa mga nais mag-apply sa GIA, maaring makipagugnayan sa tanggapan ng DOST sa dating San Jose Municipal Health Office, Lopez Jaena Street, San Jose. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s