Tagalog news: Kaligtasan ng mga mamimili, patuloy na tinitiyak ng DTI-Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan Nob 2 (PIA) — Patuloy na tinitiyak ng Department of Trade and Industry (DTI)- Palawan ang karapatan at kaligtasan ng mga mamimili sa Palawan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga enforcement activities.

Ayon sa pamunuan ng DTi-Palawan, sa buong lalawigan ay umabot na sa kabuuhang 150 establisyemento ang kanilang na-monitor at 20 dito ang nabigyan ng ‘notice of violation/formal charge’ dahil sa paglabag sa Product Standards Law o ang batas na nagbabawal sa pagbebenta ng mga produktong walang karampatang tatak o ang PS/ICC markings.

Bilang pagsunod sa proseso ng batas, ang mga hindi sertipikadong produkto ay kinukumpiska ng DTI upang hindi na maibenta pa sa mga mamimili.

Umabot naman sa kabuuang halaga na Php401,000 ang mga kaukulang multang naipataw ng DTI-Palawan sa mga establisyementong nahulihan ng mga produktong may paglabag sa naturang batas kalakal.

Maliban sa monetary penalty o multang pera, ang ga nakasuhang establisyemento ay pinagsumite rin ng DTi-Palawan ng mga sumusunod bilang bahagi pa rin ng multa:

Notarisadong Oath of Understanding o pangako na susunod na sa Product Standards Law

Iiwasan na ang pagtitinda ng mga hindi sertipikadong produkto

Pagbibigay ng karapatan sa DTi na sirain ang mga produktong makukumpiska na mayroong paglabag sa batas

Babalikan ng DTi ang mga establisyemento at titingnan ang kanilang pagtalima sa batas bilang reuirment sa pagsasara ng Trade and Industry Cases

Bilang pagtatapos naman ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month ay isinagawa ng DTI-Palawan ang mass destruction o ang pagwawasak at pagsisira ng mga nakumpiskang produktong may paglabag sa Product Standards Law tulad ng mga Christmas lights, extension cords at iba ang produkto. (OCJ/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s