Tagalog news: Serbisyong pangturismo sa OrMin, mas pasisiglahin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Nob 2 (PIA) – Upang higit pang makapagbigay ng magandang serbisyo ang iba’t ibang establisyemento at stakeholders na konsernado sa larangan ng turismo, nagsagawa kamakailan ng seminar hinggil sa “Service Excellence in Tourism” ang Department of Tourism (DOT) Mimaropa, sa pakikipagtulungan sa Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO) at City Tourism Office kamakailan sa Feraren Hills Resort, Calapan.

Dinaluhan ang nasabing seminar ng may 70 kalahok na kinabibilangan ng may ari ng iba’t ibang establisyemento at ang tourism officer ng bawat munisipyo sa lalawigan.

Layunin ng gawain na mas maging epektibo sa pagbibigay ng serbisyo ang mga establisyemento sa mga customer, dayuhan man o lokal.

Sa ganitong paraan, mas tatangkilikin ang mga ito na malaking ambag upang umunlad ang ekonomiya ng lalawigan. Nahati ang seminar sa anim na bahagi na siya namang pinaliwanag ni Resource Speaker at DOT Training Officer Carlos B. Garcia.

Ilan lamang sa tinalakay ay ang tamang pakikitungo sa mga kustomer na siyang magiging pundasyon ng pagbibigay nang magandang serbisyo. Ayon din sa kanya, mahalaga ang pakikinig sa minumungkahi ng customer upang matugunan ito ng mga nararapat na aksyon.

Kabilang din sa mga ipinaliwanag ni Garcia ay ang proper listening, interaction with guests, work ethics at iba pang mga aspekto na may kinalaman sa pagbibigay serbisyo.

Binigyang-pansin din ng tagapagsalita ang mga potensyal ng bawat indibidwal na magiging malaki ang ambag sa mas maayos na serbisyo. Naunawaan ng mga kalahok na may mga kailangan pang paunlarin sa kanilang serbisyo, gayundin naman sa mga dapat iwasan at mga hindi dapat gawin upang mas lalong maging maayos ang pagbibigay-serbisyo sa mga kustomer. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s