Tagalog news: Planning Workshop para sa mga katutubo sa OccMin, pinangunahan ng DSWD

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 2 (PIA) – Isinagawa kamakailan sa bayan ng Calintaan ang ‘Strategic Planning Workshop for Support Services Intervention’, na para sa mga proyektong pangkabuhayan ng mga katutubo sa ilalim ng Modified Conditional Cash Transfer for Indigenous Peoples (MCCTIP).

Pinangunahan ito ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang ahensya na may pondo para sa mga maaprubahang proyekto.

Ayon kay Gilbert Avena, Provincial Link Officer ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), layunin ng nasabing aktibidad na alamin ang maibibigay na tulong ng mga munisipyo sa pagpapatupad ng mga proyekto ng DSWD.

“Binuo ng mga nakatalagang Planning Development Officers ang mga plano para sa livelihood program ng mga katutubo at isinumite ito sa regional office (DSWD Mimaropa)”, paliwanag ni Avena. Katuwang ng mga planning officers ang mga representante sa barangay gayundin ng mga katutubo sa pagbuo ng mga programang pangkabuhayan.

Noong nakaraang taon ay kabilang sa mga proyektong pinakinabangan ng mga katutubo ang pagaalaga ng kambing at produksyon ng saging at luya. Inaasahan naman na sa mga isinumiteng proyektong pangkabuhayan para sa mga katutubo ay nadagdagan ito ng mga aalagaang hayop gaya ng baboy at baka. Ang mga proyektong maaprubahan ay ipapatupad naman sa taong 2017.

Ayon pa sa Provincial link ng 4P’s, sakaling walang maaprubahang proyekto, ang ahensya mismo ang maglalabas ng isang ‘mother proposal’ upang maipatupad para sa mga benipisyaryo.

Dumalo sa naturang aktibidad ang representante ng tanggapan ng Punong bayan (LGU), Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), National Commission on Indigenous Peoples Office (NCIPO) gayundin ng mga katutubo. (VND/PIA MIMAROPA/ Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s