Tagalog news: Philhealth-Palawan, pinalawig ang oryentasyon para sa online reporting

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 2 (PIA) — Pinalawig pa ng Philhealth-Palawan ang kanilang isinasagawang oryentasyon sa mga employer para sa online reporting.

Ayon kay Philhealth-Palawan Information Officer Marian Carlos sa isinagawang Kapihan sa PIA kamakailan, dati-rati ay tuwing araw lamang ng Martes at Huwebes ang oryentasyon ngunit simula noong Oktubre 24, ay isinasagawa na ito mula Lunes hanggang araw ng Sabado upang mabigyan ng pagkakataon ang mga employer na maunawaan ang kahalagahan ng online reporting.

Ang online reporting, ay ang pag-uulat ng mga monthly contribution ng mga manggagawa ng isang kompanya o establisyemento sa pamamagitan ng Electronic Premium Remittance Sytem (E-prs) na naglalayong mapabilis o mapadali ang pagbabayad nito.

Target ng Philhealth na lahat ng mga establisyemento at mga kompanya sa taong 2017 ay marunong ng gumamit ng E-prs.

Dagdag pa ni Carlos, tanging sa mga bayad center na lamang tinatangap ang mga premium payment ng mga miyembro ng Philhealth sa Palawan tulad ng mga bangko at mga accredited collecting agent ng Philhealth.

Akreditado na rin ani Carlos ang mga Tanggapan ng Ingat Yaman ng mga bayan ng Roxas, Taytay, Aborlan, Narra, Brooke’s Point at Bataraza upang tumanggap ng mga monthly premium ng mga miyembro ng Philhealth.

Sa kasalukuyan ay nasa 92 porsiyento na ng mamamayan ng Palawan ang rehistrado na sa Philhealth ayon pa kay Carlos (OCJ/PIA-Palawan).

14705688_564509563734040_2197755683280669000_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s