Tagalog news: Occ Min, nanguna sa Regional Search for Exemplary Pantawid Pamilya Child 2016

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 2 (PIA)—Nanguna ang pambato ng lalawigan na si Kyla Marquez Balao sa Regional Search for Exemplary Pantawid Pamilya Child 2016 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na isinagawa kamakailan sa Best Western Hotel, Manila.

Ito ang ikaapat na titulo ng lalawigan sa regional level na nagsimula noong 2012.

Layunin ng naturang kompetisyon na kilalanin ang kagalingan ng mga batang kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) na may natatanging ambag sa paaralan at kumunidad at magsilbing ehemplo sa iba pang kasapi ng 4P’s.

Si Balao ay 14 taong gulang mula sa barangay Sto Niño, bayan ng Rizal at isang consistent honor student. Aktibo rin si Balao sa paglahok sa iba’t ibang aktibidad sa paaralan, gayundin sa kanyang kumunidad.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, nakuha ni Balao ang P15,000 cash, plake, certificate of appreciation at ang pagkakataong maibalik sa lalawigan ang korona sa national search.

Ayon kay Lerma Isidro Pantoja, DSWD Provincial Grievance Officer ng pantawid pamilyang Pilipino Program, dalawang beses ng nakuha ng lalawigan ang unang puwesto sa national level noong 2012 – 2013, subalit hindi na ito naulit muli.

Inaasahang gagawin sa buwan ng Nobyembre ang national search, kasabay ng pagdiriwang na National Childrens Congress. (VND/ PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s