Tagalog news: DILG Seal of Good Local Governance, muling nakamit ng Romblon

ROMBLON, Romblon, Nob 2 (PIA) — Sa ikatlong pagkakataon, muling nakamit ng probinsiya ng Romblon ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal.

Kalakip ng parangal na ito ang Performance Challenge Fund na maaring magamit sa implementasyon ng kani-kanilang mga local development projects.

Ang SGLG ay isang nagsisilbing hamon ng DILG para sa pamahalaang lokal upang mas mapabuti pa ang pamamalakad, maipagpatuloy ang maayos na pagganap ng pagiging bukas (transparent) at may pananagutan sa paggamit ng pondo, makapaghanda sa banta ng kalamidad, maipakita ang pagiging sensitibo sa pangangailangan ng mga vulnerable at marginalized sectors ng lipunan, mapangalagaan ang integridad ng kapaligiran, maprotektahan ang mga mamamayan sa banta sa buhay at seguridad.

Ang Romblon provincial government ay sumailalim kamakailan sa validation ng DILG Regional Assessment Team kung saan siniyasat ang lahat ng mga dokumento base sa assessment criteria na sinundan ng panayam sa mga Department Heads na may kinalaman dito para mabigyan ng linaw ang ilan pang mga katanungan.

Naging katuwang ng DILG sa assessment ang mga pamahalaang nasyunal, civil society organizations, at pribadong sektor.

Ang mga basehan upang maging SGLG recipient ay kailangang maipasa ang tatlong core criteria gaya ng financial administration, disaster preparedness, at social protection at alinman sa mga sumusunod na essential criteria: business friendliness and competitiveness, peace and order at environmental protection.

Personal na tinanggap kamakailan ni Governor Eduardo C. Firmalo ang nsabing parangal na iginawad ng DILG sa lungsod ng Pasay.

Isa aniya itong malaking karangalan para sa lalawigan na kanyang pinamumunuan at ito’y kanya itong iniaalay sa mga taga-Romblon.

Samantala, nagkamit din ng munisipyo ng Romblon ang kahalintulad na parangal mula sa DILG na tinanggap naman ni Mayor Mariano M. Mateo.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s