Tagalog news: 3 asosasyon sa Occ Min, tumanggap ng tulong pinansyal mula DOLE

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 2 (PIA) ā€“ Tumanggap ng tulong pinasyal mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang tatlong asosasyon mula Paluan at Sablayan kamakailan.

Dalawa rito ay pawang grupo ng mga kababaihan – ang Tubili Womens Association (TWA) at ang Masikap Womens Association (MWA), mula bayan ng Paluan.

Ayon kay Roy Balleza, Field Officer ng DOLE, nais ng ahensya na magkaroon ng kabuhayan ang mga napiling benipisyaryo upang maiwasan ang pagkakaroon ng child labor sa kanikanilang mga lugar.

Tumanggap ang TWA ng P184,150 na gagamitin sa kanilang hog raising project at P 178,000 naman para sa MWA para sa meat processing. Samantala, tumanggap naman ng halagang P154,000 ang Tabuk Fishing Association (TFA) para sa kanilang dried fish project.

Ang TFA ay mula sa bayan ng Sablayan. Ayon pa kay Balleza, magsasagawa ng monitoring ang kanilang tanggapan sa mga tumatanggap ng ayuda mula sa kanilang ahensya sa loob ng tatlong taon upang magabayan ng mga ito sa kanilang mga proyekto.

Pinapayuhan din ng DOLE ang mga benipisyaryo na lumapit sa iba pang ahensya gaya ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Science and Technology (DOST) para sa mga karagdagang ayuda gaya ng mga pagsasanay at iba pa.

Katuwang din ng DOLE sa ganitong programa ang mga lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng mga benipisyaryong samahan.

Ang DOLE ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga lihitimong asosasyon na kabilang sa marginalized sector. Kailangan lang makipagugnayan sa kanilang tanggapan sa 2nd Floor Gessnec Building, Rizal Street, San Jose upang makuha ang mga kakailanganing isumiteng dokumento. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s