DOST-Pagasa: ingat pa rin sa ITCZ

LUNGSOD QUEZON, ika-2 ng Nobyembre (PIA) —Pinapayuhan ang mga kababayan sa Mimaropa na maghanda ng payong, kapote at bota dahil posibleng maging maulan ang maghapon dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ ayon sa DOST-Pagasa.

Ang ITCZ, batay sa Patnubay sa Weder Forkasting ng DOST-Pagasa, ay isang weder system sa tropiko na resulta ng pagsasanib ng mga hanging nagmumula sa kahilagaan at katimugang emispersyo na inilalarawan ng maulap na kalagayan ng panahon.

Itong ITCZ rin ang dahilan kung bakit parating kasama nitong mga nakaraang araw ang Palawan sa mga lalawigan nakararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog-kidlat.

Kaninang alas-11 ng umaga, nagpalabas ng babala ang Visayan Pagasa Regional Service Division (VIS-PRSD) hinggil sa mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa mga bayan ng San Vicente, Aborlan, Narra, Quezon at Puerto Princesa City sa Palawan batay sa kanilang Quezon Radar.

Halos kasunod kung di man sumabay sa VIS-PRSD ang Southern Luzon Pagasa Regional Service Division (SLPRSD) na nagbigay-babala hinggil sa pagkulog-pagkidlat sa Marinduque at Oriental Mindoro.

Sa pagkulog-pagkidlat, pinag-iingat at pinaghahanda ng SLPRSD ang mga kababayan sa Marinduque at Oriental Mindoro hinggil sa epekto nito gaya ng malakas na pag-ulan, malakas na hangin, pagbaha at pati pagguho ng lupa. (LP)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s