Global handwashing day, idinaos sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Oktubre 28 (PIA) — Isinagawa kamakailan sa lungsod ng Puerto Princesa ang taunang Global Handwashing Day kung saan nakiisa sa gawain ang nasa 3,000 bata na nasa ilalim ng Child Development Program (Daycare) ng pamahalaang lungsod at mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan.

Ang gawain ay may tema ngayong taon na “Make handwashing a habit” na layuning maituro lalo na sa mga kabataan at makasanayan ang tamang paghuhugas ng kamay.

Naging tampok sa selebrasyon ang kompetisyon sa paghuhugas ng kamay na may gamit na sabon at kani-kaniyang gawa ng pasilidad bilang hugasan ng kamay na pinaglabanan ng sampung cluster ng Child Development Service Center sa lungsod.

Itinanghal na kampeon ang pink cluster na binubuo ng mga barangay ng Bancao-bancao, Bagong Pag-asa, Mandaragat at San Miguel na tumanggap ng P10,000 bilang premyo.

Samantala, ikalawang puwesto naman ang red cluster na binubuo ng mga Barangay ng Sta. Monica, San Jose, San Manuel, Princesa, Tagburos at Tiniguiban na may premyong P8,500.

Tumanggap naman ng limang libong piso ang yellow cluster na binubuo ng Bgy. Bagong Silang, Mabuhay, Maningning, Masipag, Sicsican, Masikap, Model at Magkakaibigan na nasa ikatlong pwesto.

Ang Global Handwashing Day ay tinataguyod ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), City Social Welfare and Development (CSWD), City Health Office (CHO) at Local Council for the Protection of Children.

Ang paghuhugas ng kamay ay mahalaga at mabisang paraan upang makaiwas sa sakit at mapigilan din ang pagkalat ng mga mikrobyo sa iba pang tao. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s