Tagalog news: Mahigit 40M inilaan ng DOTr sa runway rehabilitation ng Romblon Airport

ALCANTARA, Romblon, Oktubre 26 (PIA) — Ang Deparment of Transportation (DOTr) ay naglaan ngayong taon ng mahigit P40.5 milyon para sa rehabilitasyon ng runway ng Romblon Airport na nakabase sa Bgy. Tugdan, bayan ng Alcantara.

Ang pagsasaayos ng runway sa naturang paliparan ay bahagi ng P1.1 billyon halaga ng proyekto ng DOTr para sa pitong airports sa buong bansa.

Kabilang dito ang General Santos International Airport, Calbayog Airport, Sanga-Sanga Airport, Catarman Airport, Siquijor Airport at Ozamiz Airport na pinondohan ng pamahalaang nasyunal upang mapaganda ang runway at pasilidad ng mga ito.

Kaugnay nito, binuksan na ng DOTr ang bidding ng nasabing proyekto sa mga contractor kung saan hanggang sa ika-9 ng Nobyembre maaring magsumite ng bid documents ang mga interesadong bidders.

Inaasahang masisimulan ang pagpapatupad ng nasabing proyekto bago magtapos ang taong kasalukuyang o posibleng sa unang quarter ng susunod na taon. (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s