Tagalog news: DOT, NCDA, nagbigay ng seminar ukol sa mga taong may kapansanan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 26 (PIA) – Isang seminar ukol sa mga taong may kapansanan ang isinagawa ng Department of Tourism (DOT) at National Council on Disability Affairs (NCDA) sa lalawigan na ginanap sa Feraren Hills Resort, lungsod ng Calapan City kamakailan.

Nilahukan ito ng mga taong konsernado sa larangan ng turismo publiko man o pribadong sektor. Dito, binigyang kaalaman at kasanayan ang mga kalahok kung paano ang tamang pagbibigay-atensyon sa mga kustomer na may kapansanan.

Layon ng seminar na maitaas ang kaalaman ng mga mamamayan sa adbokasiyang “Tourism for All” ng pamahalaan. Nasasaad sa adbokasiya ang mga alituntunin ng mga stakeholders hinggil sa pagpapaganda ng serbisyo sa turismo na nasa ilalim ng National Tourism Development Plan.

Tinalakay sa naturang seminar na lahat ng mga establisyemento tulad ng mga restoran, hotels, clubs, museums at water and air operators ay kailangang sundin ang RA 9442 o mas kilala bilang “Magna Carta for Disabled Persons.”

Nakasaad sa naturang batas ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag may kustomer na may kapansanan ang mga naturang establisyemento. Ayon kay NCDA Information, Education and Communication Division Chief Rizalio R. Sanchez, kailangang pagtuunan ng pansin ang pagpapahalaga sa mga kustomer na may kapansanan. Aniya, kailangang dagdagan ang mga rampa o daanan sa mga establisyemento nang sa gayon ay maibsan ang hirap ng ilan sa mga customer na may kapansanan. Malaki rin ang maiaambag nito sa pagpapadali ng mga gawain ng establisyemento. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s