Tagalog news: 340 magsasaka sa bayan ng Romblon, tumanggap ng ayuda sa DSWD

ROMBLON, Romblon, Okt 26 (PIA) — Kabuuang 340 magsasaka sa bayan ng Romblon na naapektuhan ng El Niño ang pinagkalooban ng tulong ng Department of Social welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) –Romblon.

Ang pamamahagi ng tulong ay ginanap kamakailan sa covered court ng Romblon public plaza sa pangunguna ng mga tauhan ng DSWD Romblon at mga empleyado ng pamahalaang bayan.

Ang mga naturang magsasaka ay tumanggap ng sampung kilo ng bigas at mga grocery items bilang ayuda sa mga ito ng pamahalaan dahil sa pagkapinsala ng kanilang pananim bunsod ng nagdaang tagtuyot.

Sinabi ni Anita R. Morales, tagapangasiwa ng High Value Crop Section ng OMAg-Romblon, na umabot sa P262,656 ang halaga ng tulong na ipinamahagi ng DSWD para sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño sa bayan ng Romblon.

Batay sa talaan ng OMAg-Romblon, ang grabeng naapektuhan ng tag-init ay mga sinasakang palayan, gulayan at maging ang mga inaalagaang hayop.

Malaking pasasalamat naman ng mga magsasakang nabigyan ng ayuda dahil makakabawas din ito sa kanilang pang-araw araw na gastusin.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s