Lathalain: Zombie run, horror tunnel, tampok sa Kalag Kalag festival ng Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Oktubre 26 (PIA) — Inihanda ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ang anim na himpilan na punong-puno ng mga katatakutan at pagsubok na siyang sasagupain ng mga partisipante sa gaganaping ikalawang taong Kalag Kalag festival sa Oktubre 27.

Tampok sa kapiyestahan ang dalawang klase ng aktibidad na bukod sa katatakutan ay kagigiliwan ng mga lalahok dito tulad na lamang ng ‘zombie run’ kung saan maaari lamang sumali dito ang mga kabataang nag-e-edad 13 pataas, may maayos na pangangatawan, walang ano mang karamdaman sa puso at walang hika.

Mayroon ding inilagay ang opisina ng Oplan Linis na ‘Horror Tunnel’ sa bahagi ng sports complex. Dito maaaring pumasok at makisaya ang mga kabataan o sino mang hindi papalaring makapasok sa lugar ng zombie run. Lalagyan din ito ng karagdagang atraksyon upang maging mas makulay at mas nakakatakot pero masaya ang lugar.

Bukod sa nabanggit na mga pakulo, magkakaroon naman ng patimpalak para sa Best Horror Costume, Hip Hop Dance Showdown, Dog Show Competition at Ms. Gay Kalag Kalag.

Samantala, mamamahagi ng libreng tiket ang pamahalaang lungsod upang makapasok at makasali sa zombie run. Ito ay makukuha sa Tanggapan ng Impormasyon at sa ilang mga programa sa radyo kung saan ay kinakailangan munang sumagot ng tama sa ilang katanungan na ibibigay ng mga hosts ng programa.

Ang Kapiyestahan ay hango sa konsepto ng makabagong pagdiriwang ng araw ng mga kaluluwa na minsan nang kinagiliwan sa lungsod noong nakalipas na taon.

Kaungay nito, plantsado na rin ang ipatutupad na seguridad sa lugar kung saan gaganapin ang mga aktibidad sa pagdiriwang. Magtutulungan ang mga tauhan ng pulisya sa lungsod, Civil Security ng pamahalaang lungsod at mga tanod ng Barangay Tiniguiban at Sta. Monica. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s