Tagalong news: Prov’l Consumer Quiz Bee 2016, idinaos sa San Jose, OccMin

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Okt 25 (PIA) – Sa ikatlong pagkakataon, nanalo ang San Jose National Agriculture and Industrial High School (SJNAIHS) sa Provincial Consumer Welfare Quiz Bee 2016 na idinaos sa Sikatuna Beach Hotel, San Jose kamakailan.

Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng may 20 kalahok na nagmula sa iba’t ibang paaralang Pansekundarya sa lalawigan, subalit nanaig sa huli si Ana Mariel Samino. Si Samino ay 15 taong gulang at nasa ika-sampung baitang sa SJNAIHS.

Kahit na parating nangunguna sa kanyang klase ay hindi naging madali para kay Samino ang naturang quiz bee dahil ayon sa kanya, hindi naman talaga siya sumasali sa mga kahalintulad na kompetisyon.

Matapos mapili noong Hulyo, ay agad sinimulan ni Samino ang paghahanda. Ginugugol ni Samino at ng kanyang coach ang kanilang tanghalian sa pagaaral ng mga iba’t ibang paksang nakapaloob sa kapakanan ng mga mamimili.

Mensahe ni Samino sa mga kapuwa nya magaaral, ang patuloy na magsikap at ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

“Hindi po dapat agad susuko, kahit na anumang problema meron tayo”, paalala pa ng pambato ng lalawigan sa Regional Consumer Quiz Bee.

Ang regional competition ay ginanap noong ika-19 ng Oktubre sa SM Mega Mall, lungsod ng Mandaluyong.

Ang Consumer Quiz Bee ay isinasagawa bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Consumer Welfare Month na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI). (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s