Tagalog news: e-registration at ID System sa mga iskolar ng LGU Palawan ipinatutupad

PUERTO PRINCESA, Palawan, Okt. 25 (PIA) — Ipinatutupad na ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan sa taong ito ang e-registration at ID system para sa mga iskolar nito.

Ipinaliwanag ni Carlo Buitizon, tagapamahala ng isinasagawang e-registration, na malaking kaginhawahan ang hatid ng makabagong pamamaraan na ito sa pangangasiwa ng mga datos ng estudyante na benepisyaryo ng Programang Pang-edukasyon para sa Palaweño (PPP).

Ani Buitizon, dahil sa lubhang napakarami ng mga iskolar ng pamahalaang panlalawigan na umaabot sa mahigit 10,000 ay napakahirap upang isa-isahin sa paghahanap ang talaan ng mga iskolar kung kaya’t sa pamamagitan aniya ng e-registration ay mapapadali ang paghahanap sa talaan ng mga estudyante sapagkat ipapasok lamang ang pangalan sa computer ay agad na makikita ang lahat ng detalye tungkol sa estudyanteng kabilang sa programa.

Sa kasalukuyan ay abala ang E-Governance Unit ng Tanggapan ng Gobernador sa pamumuno ni Atty. Jeffrie Sahagun, Assistant to the Governor, sa pagtatala sa computer ng mga detalye na nakapaloob sa biodata na isinusumite ng mga estudyante upang maging opisyal na rehistrasyon nila sa PPP.

Dagdag pa ni Buitizon, sa oras na matapos ang encoding sa mga datos ng mga benepisaryo ay mapapadali na ang paghahanap at pagkumpirma na sila ay kabilang sa programa. Inaasahan din na sa pamamagitan nito ay hindi na magtatagal ang pila at pagpapatala sa mga susunod na semester gayundin ang pagbabayad ng mga matrikula.

Sa pamamagitan ng din ng e-registration ay malalaman na rin ng mga magulang ang grado sa eskwelahan ng kani-kanilang mga anak dahil pagkatapos ng semestre ay ipapasok sa computer system ng PPP ang mga grado ng estudyante na mula naman ang record sa kani-kanilang mga eskwelahan. Sa pamamagitan naman ng text messaging ay maipadadala sa mga magulang ang grado ng kanilang anak.

Kaugnay ng makabagong serbisyong ito ay pagkakalooban din ang bawat estudyante ng PPP identification card o ID na may opisyal na selyo ng Pamahalaang Panlalawigan na kanilang magagamit sa opisyal na transaksyon kaugnay sa kanilang mga benepisyo. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s