Paanan ng Mount Halcon gumuguho na

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Okt. 25 (PIA) – Lubha nang naka-aalarma ang mga naging pagtabag ng lupa sa maraming bahagi sa daanang paakyat ng Mount Halcon sa Oriental Mindoro. Ito ang iniulat kamakailan ni Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado sa pagpupulong ng Management Committee ng Kapitolyo.

Nagsagawa kamakailan ng Mountain Search and Rescue Training ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na pinamumunuan ni Supervising Administrative Officer Vincent Gahol. Nakita ng kanilang grupo na nangasiwa ng pagsasanay ang kasalukuyang kalunus-lunos na kalagayan ng nasabing lugar.

Sa isang powerpoint presentation na ginawa ng PDRRMO, ipinakita doon ni Infantado ang may siyam na landslide na nakunan ng grupo sa dinadaanan papuntang Mount Halcon. Pito sa mga ito ay matatagpuan sa mga lugar patungong Camp 1, samantalang dalawa naman ang kanilang nakita sa Camp 2. Maraming nabuwal na malalaking puno, malalaking tipak na bato ang nakahambalang at malalaki at malalalim ang hukay sa lupa. Ipinakita rin ang Dulangan River sa Camp 2 bago at matapos ang bagyong Nona. May mga bahagi doon na nagkaroon ng pagguho ng lupa at mga bato at sinasabing “totally devastated” na ang Camp 2.

Kumpara sa larawan ng lugar bago pa ang bagyong Nona, ipinakita sa larawan na marami na rin ang landslide sa naturang lugar. Ayon kay Infantado, kailangang magkaroon ang Pamahalaang Panlalawigan, lahat ng konsernadong ahensya at pribadong sektor ng malinaw na plano para sa pangangalaga ng Mount Halcon. “Ang malawakang reforestation program at tree-planting ang maaaring gawin dito at ang pansamantalang pagbabawal ng pag-akyat dito”, pahayag ni Infantado. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s