Tagalog news: VP Robredo, tutulong sa mga katutubong Tadyawan sa bayan ng Pola

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 24 (PIA) — Tutulong ang tanggapan ni Vice-President Leni Robredo sa mga mamamayan ng Pola partikular sa mga katutubong Tadyawan na naninirahan sa Barangay Tiguihan ng nabanggit na bayan.

Ang Brgy. Tiguihan ay isa lamang sa malalayong komunidad ng mga Mangyan sa lalawigan na hindi pa naaabot ng mga tulong mula sa pamahalaang nasyunal.

May limang kilometro ang layo nito mula sa bayan ng Pola.

Sa pagbisita ni Robredo sa nasabing lugar kamakailan, ipinahayag niya ang kanyang suporta at pagtulong upang matugunan ang mga ipinaabot na kahilingan ng mga katutubo gaya ng livelihood program.

Kaugnay nito, matapos ang pakikipagdayologo ni Robredo sa mga kinatawang lider ng mga katutubong Tadyawan, pinangunahan din ng pangalawang pangulo ang pagpapasinaya sa P2 milyon halaga ng gusali na bagong public market ng bayan ng Pola.

Sinundan ito ng programa sa plaza kung saan nagtipun-tipon doon ang mga punumbayan sa lalawigan, empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Pola, mga opisyal ng Department of Education (DepEd), senior citizens, barangay officials, mga mag-aaral, at iba pang konsernadong grupo at indibidwal. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s