Tagalog news: 6 drug surrenderers sa bayan ng Odiongan, nagsanay sa TESDA

ODIONGAN, Romblon, Okt 24 (PIA) — Anim na personalidad na sangkot sa iligal na droga na kusang loob na sumuko sa ilalim ng “Project Tokhang’ ang nagsanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)’, sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP).

Layunin ng sampung araw na maikling technical course na ‘Maintain and Repair Cellular Phone’ na mabigyan ng sapat na kaalaman ang anim na drug surrenderers kasama na rin ang iba pang kalahok sa pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga sirang cellphones at iba pang gadget.

Ang nasabing pagsasanay ay pormal na nagsimula sa simpleng programa na isinagawa kamakailan sa Audio Visual Room ng Odiongan South Central Elementary School.

Matatandaan na noong buwan ng Agosto ay nagkaroon din ng pagsasanay ang TESDA sa Small Engine Repair at lima sa mga nagsanay ay mga drug surrenderers din sa bayan ng Odiongan.

Ang naturang pagsasanay ay pinondohan ng LGU ODiongan sa ilalim ng Bottom-up Budgeting program sa pakikipagtulungan ng TESDA at Odiongan Municipal Police Station para mabigyan ng kumikitang pangkabuhayan ang mga mahihirap at ang mga sumuko para sa kanilang pagbabagong buhay.

Sa kasalukuyan ay lalo pang pinaigting ng Odiongan MPS ang kampanya laban sa iligal na droga kung saan nagsasagawa ng anti-drug operation na nagresulta sa pagkaaresto ng mga kilalang tulak ng droga sa nabanggit na bayan.

Sa huling tala ng Odiongan MPS, 114 na ang mga personalidad na sangkot sa iligal na droga ang tumalima sa panawagan at boluntaryong sumuko sa alagad ng batas.

Patuloy na nananawagan si PSInsp Manuel F. Fernandez sa komunidad na magtulong-tulong para masugpo ang salot na ilegal na droga para ang Odiongan ay maideklarang Drug-free Municipality.

Maaaring makipag-ugnayan sa Odiongan MPS hotline (SMART) – 09303683218, (GLOBE) – 09959701362; Landline – (042) 567-5113 at Odiongan Pcr- Facebook Account kapag may nasaksihan o nalamang transaksiyon ng ipinababawal na gamot sa kanilang lugar.(RS/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s