Tagalog news: Proyekto para sa mahihirap, tinalakay sa kauna-unahang pulong ng PCLB

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Okt 21 (PIA) – Tinalakay ng mga kasapi ng Provincial Councilors League Board (PCLB) ang isang proyekto para sa mga mahihirap na mamayan ng lalawigan, sa kanilang kaunaunahang pulong kamakailan sa Sikatuna Beach Resort, San Jose.

Ayon kay Mark Philip Ramirez, Pangulo ng PCLB, nais nilang magsagawa ng isang Fund Raising Project kung saan ang pondong malilikom ay maaring ilaan sa medical mission at livelihood program.

“Base sa suhestyon ni Konsehala Mercy Alvaran (San Jose), napagkasunduan ng PCL Board na gumawa ng proyekto na gagawin sa dalawang distrito ng lalawigan at sa nakahiwalay na isla ng Lubang”, paliwanag ni Ramirez.

Nahahati sa dalawang distrito ang lalawigan. Ang unang distrito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Mamburao, Paluan, Sablayan, Sta Cruz at Abra de Ilog (MAPSSA) samantalang ang ikalawang distrito ay kinabibilangan ng mga bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal at Calintaan (SAMARICA). Ang isla naman ng Lubang ay may dalawang munispyo, ang Looc at Lubang.

Isasalang muli ang usaping ito sa kasunod na pulong ng PCLB.

Samantala, nakatakdang dumalo ang mga miyembro ng PCLB sa 3rd Quarterly National Executive Officers- National Board Meeting na gaganapin sa Cebu sa ika- 19-21 ng Oktubre. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s