Tagalog news: Pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa zika virus isinasagawa ng PHO

PUERO PRINCESA, Palawan, Okt. 21 (PIA) — Nagsasagawa ang Provincial Health Office (PHO) ng pamahalaang panlalawigan ng information education campaign hinggil sa zika virus na itinuturing nang pandaigdigang suliraning pangkalusugan.

Ayon kay Ida S. Viray, Health Education and Promotions Officer (HEPO) II ng PHO, ang zika virus ay isang uri ng impeksyon na nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes na siya ring nagdadala ng sakit na Dengue at Chikungunya.

Aniya, bagamat wala pang naitatalang kaso ng zika sa Palawan, mas mainam parin na maging handa ang sambayanang Palaweño.

Dagdag pa ni Viray na ang kanilang ipinapalaganap na mga impormasyon ay batay na rin sa ipinalabas na advisory ng Department of Health (DOH) upang maiwasan ang zika virus, dengue at chikungunya. Ito ay sa pamamagitan ng programang 4S ng DOH na kinapapalooban ng mga sumusunod:

• Search and Destroy, kung saan pinapaalalahanan na takpan ang mga lugar na maaring pangitlugan ng lamok na may dalang virus tulad ng mga gulong, timba, paso, laruan o basurahan

• Self-Protection Measures, kung saan hinihikayat ang paggamit ng mga insect repellants, paglalagay ng screen sa mga bintana at pinto ng bahay at pagsuot ng mga light-colored at mahabang manggas na mga damit;

• Seek Early Consultation o magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health centers na malapit sa lugar sakaling makitaan ng sintomas nito;

• Say Yes to Fogging only During Outbreaks, o ang pagsuporta sa pagpapausok sa mga tahanan na isinasagawa ng Kagawaran sa buong bansa.

Sa sakit na zika ang mga pangunahing sintomas nito ay ang pagkakaroon ng rashes o pantal sa katawan na may kasamang lagnat, pamumula ng mata at pananakit o pamamaga ng kasu-kasuan.

Isa sa mga kumplikasyon na maaring maidulot nito sa babaeng buntis ay ang pagkakaroon ng abnormal na liit ng ulo o microcephaly sa sanggol na nasa sinapupunan ng ina.

Tiniyak ni Viray na patuloy ang adbokasiya ng PHO upang mapataas ang kamalayan ng mamamayan sa pangangalaga ng kanilang kalusugan at bukas ang kanilang tanggapan sa sinumang nais lumapit upang humingi ng dagdag na kaalaman at teknikal na suportang pangkalusugan. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s