Tagalog news: Pagbuo ng Committee on Water Resources, isinusulong ng Provincial Care Council

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 21 (PIA) – Isinusulong ngayon ng Provincial Care Council ng lalawigan ang pagbuo ng Committee on Water Resources na siyang mangangasiwa sa sistema ng pinagkukunan ng tubig at tututok sa mga problema ng daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha sa mga estratihikong lugar sa lalawigan.

Ang panukalang nabanggit ay bunsod ng pagbaha sa mga sentrong bayan at sa mga lugar sa iba’t ibang barangay na malayo sa mga ilog. Nakikitang ang dahilan nito ay ang kawalan ng maayos na drainage system at ang mga baradong daluyan ng tubig.

Sa ganitong sitwasyon, mungkahi ni Dr. Marius Agua, isang environmentalist, na tingnan at pakilusin ang mga konsernadong ahensya upang malapatan ng solusyon ang usaping nabanggit.

Ayon sa kinatawan ng Provincial Environment and Natural Resources Office, mayroon nang probisyon sa Provincial Environment Code tungkol sa pangangalaga ng water resources. Ang kailangan na lamang ay ang pagbuo ng komite para rito.

Idinagdag naman ni Provincial Executive Assistant Dr. Romeo G. Infantado na ang Environment and Tourism Cluster ng Pamahalaang Panlalawigan, kung saan Chair nito ang PROVINCIAL Government of Oriental Mindoro (PGOrM) at Vice-Chair ang Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO), ang maaaring mangasiwa sa isyu hinggil sa pagbubuo ng komite sa water resources.

Ibinahagi naman ni Calapan City Environment and Natural Resources Officer Wilfredo Landicho na mayroon na ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan ng Drainage Master Plan at naisumite na ito sa Sangguniang Panglungsod para kaukulang aksyon.

Ito ang pagbabatayan ng iba pang ahensya sa pagpapagawa ng drainage system sa lungsod ng Calapan. Sinabi naman ni Bishop Warlito Cajandig na sa pagpapaabot sa Care Council ng mga ganitong suliranin, inaasahang mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga naturang usapin. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s