Tagalog news: LGU-Palawan, binigyan ng pagkilala ng TESDA

PUERTO PRINCESA, Palawan, Okt. 21 (PIA) —- Isa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa mga nabigyan ng pagkilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kamakailan sa kamaynilaan.

Ito ay sa pamamagitan ng Kabalikat Award isang pagkilala sa mga natatanging katuwang ng TESDA sa pagsusulong at pagpapalakas ng Technical Vocational EducationTraining (TVET).

Tinanggap ito ni Ceasar Sammy Magbanua, Chief of Staff ng Tanggapan ng Gobernador, bilang kinatawan ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Magbanua, ang nasabing pagkilala ay batay sa walang sawang pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa pagsusulong ng teknikal at bokasyunal na kurso sa pamamagitan ng paglalaan nito ng pondo para sa mga estudyanteng nais kumuha ng mga short courses sa TESDA.

Kasama rin dito ang pagpapatayo ng Kapitolyo ng Palawan Technical School sa Bayan ng Aborlan na marami na ang nakinabang dito.

Mahigit sa P7 milyon naman ang inilaan ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng kanyang Programang Pang-edukasyon para sa Palawenyo na nakatulong upang makapagtapos ng kursong bokasyunal at teknikal ang mahigit sa tatlong libong Palaweño.

Samantala, nasa plano na rin ang pagtatayo ng Technical School sa Bayan ng Taytay at iba pang munisipyo na may pangangailangan nito. (PIO/OCJ-PIA, Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s