Tagalog news: DTI, nagsagawa ng Consumer Quiz Bee kaugnay ng Consumer Welfare Month

PUERTO PRINCESA, Palawan, Okt 24 (PIA) — Lumahok ang mga estudyante ng Grade-10 mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa Puerto Princesa at Palawan sa isinagawang Consumer Quiz Bee ng Department of Trade and Industry (DTI)-Palawan katuwang ang City at Provincial Department of Education (DepEd) kamakailan.

Ang quiz bee ay taunang isinasagawa ng DTI kaugnay sa selebrasyon ng Consumer Welfare Month na may tema ngayong taon na “Consumer Protection: A Shared Responsibility”.

Layon nito na mapalawak at mai-angat ang kamalayan ng mamamayan maging ng mga kabataan patungkol sa umiiral na Product Standard Law na nagbibigay ng proteksyon para sa kapakanan ng mga mamimili.

Ang patimpalak ay nahahati sa mga kategoryang panglungsod at panglalawigan. Nagwagi sa unang kategorya (panglungsod) si Rey Timothy Nalica ng Palawan National School, sinusundan ito ni Edwin Manalo ng Sicsican National High School at nakakuha ng ikatlong puwesto ay si Mariel Oyangorin ng San Rafael National High School.

Sa kabilang banda, tinanghal namang kampeon sa panglalawigan ang kalahok mula San Francisco Javier College ng bayan ng Narra na si Agape Cristy Espinosa, pumangalawa si Delight Marie Encontro ng Quezon National High School at pumangatlo naman ang estudyante mula sa Narra National High School na si Kyrl Christian Domenique Boni.

Tinanggap ng mga nagwagi ang kanilang premyo kasama ang kanilang mga gurong tagapagsanay.

Samantala, ang mga nanalong estudyante sa naturang kompetisyon ay siya namang ilalaban sa darating na Regional Quiz Bee sa October 19 na gagawin sa Calapan, Oriental Mindoro. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

14650207_1411652238863895_5451726208948762536_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s