Tagalog news: Bise-Gob. Dolor muling nahalal na National Chairperson ng liga

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 21 (PIA) – Muling nahalal sa kanyang ikalawang termino bilang unopposed National Chairperson ng League of Vice-Governors of the Philippines (LVGP) si Bise-Gob. Humerlito ng Oriental Mindoro sa isinagawang eleksyon ng liga sa Maynila kamakailan.

Ang muling pagkakahalal kay Dolor sa pinakamataas na posisyon sa LVGP ay tanda ng pagtitiwala ng kaniyang mga kapwa bise-gobernador sa kanyang husay at kakayahang pamunuan ang prestihiyosong liga.

Taglay ang mahigit na 20 taon ng malawak na karanasan bilang lider ng lokal na lehislatura sa lalawigan, unang naglingkod bilang LVGP National Vice-Chairperson si Dolor taong 2010-2013 at National Chairperson mula 2013 hanggang 2016.

Taong 1996-2004 nang magsimula siyang maglingkod bilang SP Ex-officio member sa kanyang pagiging Sangguniang Kabataan Provincial Federation President, bilang regular na myembro ng SP mula 2001-2004 at 2007-2010 at naglingkod bilang Bise-Gobernador ng Oriental Mindoro mula 2010.

Sa kanyang muling pagkakahalal sa isa sa pinakamatataas na posisyon sa pamahalaan, inaasahang higit niyang maitataguyod ang mga makabuluhang panlehislaturang hakbangin at mga gawaing pangkaunlaran para sa mga mamamayan at lalawigan ng Oriental Mindoro at maging ng iba pang mga lalawigan sa bansa. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s