Tagalog news: Action plan para sa mga drug surrenderee sa OrMin, binuo

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 21 (PIA) – Isang makabuluhang action plan ang binuo kamakailan ng ng mga myembro ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) para sa mga sumukong sangkot sa ipinagbabawal na droga.

Layunin nito na matulungang makapagbagong buhay ang mga kusang sumuko at mga naaresto sa pinaigting na kampanya kontra droga. Ayon kay Technical Working Group (TWG) Chair Police Senior Superintendent Florendo C. Quibuyen, napagkasunduan na magkaroon ng malinaw na plano hinggil sa may mahigit nang 7,000 drug surrenderees sa Oriental Mindoro sa huling pagpupulong ng PPOC.

Ibinahagi ni Quibuyen ang panukala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na clustering ng mga konsernadong ahensya para sa Community Rehabilitation Network na siya nang gagamitin para sa pagbubuo ng action plan.

Ang Cluster 1 ang mangangasiwa sa profiling, screening, drug testing at pagkakaloob ng tulong sa pagtukoy at klasipikasyon ng drug surrenderees na pangungunahan ng Department of Health (DOH) at myembro ang kinatawan ng Dangerous Drugs Board, Local Government Units, Department of Education (DepEd), DILG at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang Cluster 2 naman ang magbubuo ng mga komite para sa family care, community development, capacity development at patient/recovering drug dependent care para sa rehabilitasyon. Pangungunahan ito ng Ugnayan ng Barangay at Simbahan (UBAS) at mga myemro ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine National Police (PNP), Department of Environment and Natural Resources (DENR), DILG, DOH, Dangerous Drugs Board (DDB), DepEd, non-government organizations at mga taong simbahan.

Ang Cluster 3 ang magkakaloob ng mga programa tulad ng pangkabuhayan, cash for work, children-in-conflict with the law, Unlad Kabataan, National Drug Education Program, Drug Dependents’ Training Program, Therapeutic Community Modality Program, Halfway House at Livelihood Training Center sa panahon ng post rehabilitation.

Pangangasiwaan ito ng DSWD kasama ang TESDA, DILG, UBAS, Bureau of Jail Management & Penology (bjmp), Department of Justice (DOJ), DepEd at mga taong simbahan.

Iprinisenta naman ni Provincial Health Officer Dr. Normando Legaspi ang itatayong Drug Treatment and Rehabilitation Facility ng Pamahalaang Panlalawigan sa lugar ng dating Provincial Hospital sa Brgy. Libis, Calapan. Matapos mabuo ang grupo sa kani-kanilang cluster para pag-usapan ang kanilang mga gagawin, inaasahang sa susunod na regular na pagpupulong ng PPOCay isusumite naman nila ang napagkasunduang plano ng bawat grupo. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s