Tagalog news: Baragatan sa Barangay ng LGU Palawan muling bumabalik

PUERTO PRINCESA, Palawan, Okt. 14 (PIA) — Muling ibinalik ng pamahalaang panlalawigan ang programa nitong Baragatan sa Barangay na ilang buwan ding natigil dahil sa kakulangan ng pondo para sa pagpapatupad dito.

Sa Oktubre 14-17 ay sisimulan ng Kapitolyo ang Baragatan sa Barangay sa mga munisipyo ng Cuyo, Magsaysay at Agutaya. Ang tatlong munisipyo ay ilan lamang sa mga islang munisipyo sa bahaging norte ng lalawigan na bibihirang nararating ng mga serbisyo ng gobyerno.

Ang Baragatan sa Barangay na tinaguriang All-in-One Bayanihan ay itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan katuwang ang sumusunod: Pamahalaang Lokal ng Cuyo, Agutaya at Magsaysay, GO Share, Black Pencil Project, Operation Blessing (Klasrum ng Pag-asa), Western Command, Naval Forces West, Philippine Marine Corps, 3rd Marine Brigade, 4th Marine Battalion, 570th Composite Tactical Wing, Tactical Operations Group 7, Philippine Coast Guard and Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).

Layon ng programang ito na mailapit sa mamamayan sa mga liblib at malalayong lugar sa Palawan ang mga serbisyo ng gobyerno.

Kasama sa mga serbisyo ng gobyerno na ihahatid sa pamamagitan ng Baragatan sa Barangay at ay cataract surgery, minor surgeries, medical and dental services, veterinary services. Mamamahagi rin ng local pension para sa mgahihirap na nakatatanda, pagpapatala sa Philhealth, pamamahagi ng Individual Solar Home Systems, pamimigay ng gamot, feeding program para sa mga kulang sa timbang na mag-aaral sa kinder at daycare. May oryentasyon din para sa mga iskolar ng Kapitolyo, pamimigay ng school supplies at pamimigay ng bigas sa mga mahihirap na mangingisda at pamilya sa mga nabanggit na munisipyo.

Magsasagawa din ang mga militar mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng operation tuli, libreng gupit sa sa mag-aaral sa elementary at sekondarya at film showing kaugnay ng mga napapanahong isyu.

Ang barko ng Philipinne Navy naman ang sasakyan ng lahat ng mga makikiisa sa Barangat sa Barangay. (PIO/OCJ-PIA, Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s