Tagalog news: 2016 Provincial Consumer Congress ng DTI, ginanap sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Okt 14 (PIA) — Mahigit 200 katao ang lumahok at nakiisa sa katatapos lang na 2016 Provincial Consumer Congress ng Department of Trade and Industry Romblon na ginanap sa Holiwood Inn Hotel sa bayan ng Odiongan, Romblon noong nakaraang linggo.

Ang naturang pagtitipon ay bahagi ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month ngayong 2016 taglay ang temang ‘Consumer Protection: A Shared Responsibility’.

Sa nasabing congress, tinalakay ni Atty. Miralyn Opriasa ng SEC Enforcement & Investor Protection at ni Atty Minerva A. Sobreviga-Retanal ng Anti-Fraud Divison ng National Buureau of Investigation ang usapin hinggil sa investment scams na isa sa mga laganap na modus ngayon.

Ang mga investment scams aniya ay ang paghikayat sa isang indibidwal ng ilang tao na mag-invest sa isang negosyo kung saan kukumbinsihin at paaasahin ito sa mataas na kita sa loob lamang ng ilang araw o linggo.

Tinalakay rin ng mga bisitang sina Ms. Carolina C. Saunar ng Public Assistance Desk & Record Division ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) Licensing ang mga tungkulin ng kanilang opisina at ibinahagi naman ni Ms. Anerose N. Dumaquita kung paano pumapasok ang isang firm sa isang government projects katulad ng mga konstruksiyon ng mga kalsada.

Sa open forum ng nasabing aktibidad ay nagkaroon ng pagkakataon na magtanong ang ilang estudyante ng kursong Civil Engineering ng Romblon State University patungkol sa mga usaping ibinahagi ng PCAB.

Nagbigay rin ng lecture si Joann Chuaquico ng DTI-Mimaropa kaugnay naman sa Philippine Government Electronic Procurement System o PhilGEPS.

Sianbi ni Orville Mallorca, Provincial Caretaker ng DTI-Romblon na malaking tulong ang nasabing consumer congress sa mga business at consumer sectors para nakukuha nila ang side ng isa’t isa.

Handa rin aniyang sumagot ang kanilang tanggapan sa mga reklamo laban sa mga illegal o hindi magagandang gawain ng mga nagninegosyo sa lalawigan. Maari umanong dumulog sa opisina nila na matatagpuan sa Ground Floor LFH Suite Promenade JP Laurel St. Brgy. Dapawan, Odiongan, Romblon o bisitahin ang kanilang Facebook page.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s