Tagalog news: Puerto Princesa International Airport may Smart WiFi na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Okt. 13 (PIA) — May Smart WiFi na ang Puerto Princesa International Airport matapos na mailunsad ito kahapon ng Philippine Long Distance Company (PLDT) at Smart Communications.

Ayon kay Harold Kim Orbase, PLDT Assistant Vice President and Center Head for Enterprise Fulfillment Management, naisakatuparan ang paglalagay ng WiFi sa lahat ng mga pangunahing paliparan sa bansa sa pakikipagtulungan ng gobyerno partikular na ang Department of Transportation (DOTr).

Naisakatuparan umano ito sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at ng kanilang kompanya at nakapaloob sa MOA na ito ang paglalagay ng high-speed Wii service sa mga pangunahing transport hub sa bansa sa loob ng ‘100 Days ng Administrasyong Duterte’.

Ayon pa kay Orbase, mabilis ang internet connection na kanilang inilagay sa paliparan ng lungsod na may kapasidad na one gigabit per second at kayang makakonekta dito ang 3,000 katao na gumagamit ng social media tulad ng facebook, twitter, instagram at gayundin ang paggamit ng youtube.

Saklaw nito ang buong arrival at departure area ng paliparan at umaabot din umano ang signal nito hanggang sa parking area na maaaring magamit ng mga naghihintay ng pasahero.

Mula Oktubre 6-Oktubre 10, 2016 ay libre pa ang paggamit nito ngunit simula Oktubre kahapaon ay mayroon na lamang 30 minuto ang libre kada araw at maaari na mag-subscribe sa mga promo ng nasabing telecom company ang mga users.

Nagpasalamat naman si Engr. Percy Manolesio-Area Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Puerto Princesa sa nasabing telecommunication company sa paglalagay ng Smart WiFi sa paliparan ng lungsod. Dahil umano dito ay hindi na maiinip ang mga pasaherong naghihintay ng kanilang takdang paglipad lalo pa sa ngayon ay palaging naaantala ang paglipad ng mga mga eroplano sa lahat ng paliparan sa bansa.

Ang paglulunsad ng Smart WiFi sa paliparan ng Puerto Princesa ay pinangunahan ninaAlex Quizon-PLDT Alpha Relationship Manager for South Luzon; Harold Kim Orbase-PLDT AVP and Center Head for Enterprise Fulfillment Management; Bobby Pascual-PLDT Head for Network Engineering at Engr. Percy Manolesio-Area Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Puerto Princesa. (OCJ/PIA-Palawan)

Maliban sa Puerto Princesa International Airport at passenger terminals ng NAIA, ay mayroon na rin nito sa Davao City’s Francisco Bangoy International Airport, Laguindingan Airport sa Misamis Oriental, Bacolod-Silay International Airport, Iloilo International Airport, Roxas Airport, Zamboanga Airport, Clark International Airport, Dumaguete-Sibulan Airport, Laoag International Airport, General Santos International Airport, Kalibo International Airport, at Boracay Airport sa Caticlan. (OCJ/PIA-Palawan)

48d2721701c5c17cb1cc7868623fd589

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s