Tagalog news: Kauna-unahang online grocery sa Calapan, suportado ng pamahalaang lokal

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 13 (PIA) – Suportado ngayon ng pamahalaang lungsod ng Calapan ang kauna-unahang online grocery na inilunsad ni Allan Muhammad Ali Lachica sa Calapan noong Setyembre.

Ang online grocery na Small Basket ay isang uri ng komersyo sa syudad. Bahagi ito ng pagiging Regional Center ng Mimaropa at pagiging competitive city ng bansa.

Ayon kay Lachica, dalawang buwan niyang pinag-aralan at ginawa ang nasabing website bago ito nailunsad. Naglalaman ito ng iba’t ibang pangunahing produkto gaya ng pagkain, personal care at iba pa.

Kumpara aniya sa ibang online shops, libreng maihahatid door-to-door sa halagang P200 minimum grocery ang mga pinamili at walang delivery charge ang naturang serbisyo.

Bukas ang ‘small basket’ para sa mga interesadong mag-grocery online araw-araw, i-type lamang ang http://www.smallbasket.com.ph o magtxt sa 0977-8366453. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

untitled

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s