Tagalog news: Kampanya kontra rabies, pinaigting ng pamahalaang bayan ng Concepcion

CONCEPCION, Romblon, Okt 13 (PIA) — Mas pinaigting ng pamahalaang bayan ng Concepcion ang kampanya nito kontra-rabies kung saan nagsagawa ng rabies awareness program noong nakaraang linggo sa nabanggit na bayan.

May tema itong “Sama-sama para sa isang Rabies-Free na Pilipinas, Magparehistro at Bakunahan ang Inyong mga Aso”.

Isinagawa ito alinsunod sa kautusan ng National Rabies Prevention and Control Committee (NRPCC) sa ilalim ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) na nilahukan naman ng mga kawani ng Department of Education (DepED), mga pribadong sektor at non-government organizations ng naturang bayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na mai-promote, ipaalam at bigyan ng impormasyon ang mga tao hinggil sa wastong pag-aalaga mga aso at kung ano ang mga kaakibat na responsibidad ng may-ari nito.

Nilalayon din ng programa na makontrol ang pagdami ng populasyon ng mga alagang aso upang masugpo ang pagkalat ng rabies na galing sa mga ganitong hayop dahil hinahangad ng LGU Concepcion na mapabilang sila sa mga munisipyong naideklarang rabies free zone na.

Sa maikling mensaheng ni Mayor Medrito Fabreag Jr., kanyang binigyan-diin ang kahalagahan ng bakuna ng anti-rabies at paglalagay ng tag sa mga alagang hayop upang proteksiyonan ang mga tao mula sa sakit na rabies at madaling malaman kung sino ang nagmamay-ari ng aso dahil mayroon itong pagkakakilanlan.

Madali rin aniyang matukoy ang mga alagang hayop na hindi pa nababakunahan at mas masubaybayan ang mga ito sapagkat may numero ang mga alagang hayop sa bawat barangay.(DE/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

tyun

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s