Lathalain: ‘Hanging Library’ sa Puerto Princesa, handog sa mga katutubong Tagbanua

October 13, 2016

Nakatuon ang layunin para sa mga kabataan at matatandang katutubong Tagbanua sa Barangay Montible, sa bahaging Sur ng lungsod ng Puerto Princesa ang ‘Hanging Library’ na magkatuwang na inilunsad kamakailan ng Department of Education (City-DepEd) at Rotary Club of Makati Olympia (RCMO).

Ang bahay-aklatan ay gawa sa katutubong materiyales na matatagpuan sa itaas ng puno, na nabuo sa pamamagitan ng ‘Bayanihan’ o pagtutulungan ng mga katutubo sa barangay na sinuportahan naman ng mga guro ng Alternative Learning System (ALS) ng DepEd.

Nagbahagi ng mga libro ang RCMO na ilalagay sa bahay-aklatan at siyang gagamitin ng mga benepisyaryo ng proyekto.

Ayon kay Ferlison Moore Yanson, isang mobile teacher ng ALS, maituturing na tagumpay para sa kanila ng kaniyang kapwa guro nang maitayo ang ‘hanging library’, dahil bukod sa mahihikayat ng proyekto ang mga kabataan maging ang mga matatandang katutubo upang makapag-aral at matuto, may maayos na ring lugar at puno ng inspirasyon sa pagtuturo.

“Ang hangad namin na maturuan diyan iyong nag-e-edad 15 hanggang 63 (taong gulang), kaya may mga estudyante kami na isang buong pamilya mula sa apo hanggang sa lolo, nakakatuwa dahil makikita mo ang determinasyon sa kanila na makapag-aral, sa pamamagitan ng proyektong ito, naibibigay namin sa kanila ang pangangailangang pang edukasyon”, ani Yanson.

Hango ang konsepto ng aklatan sa “Cocoon of Knowledge”(Tahanan ng Kaalaman), aniya maihahalintulad ang mga mag-aaral dito sa paru-paro, na kapag maliit pa ay mananatili muna sa bahay-uod, pagkalipas ng ilang panahon ay lalabas na, magkaka-pakpak at magkakaroon na ng kakayanang lumipad upang abutin ang mga ninanais para sa kinabukasan.

Nabuo ang ideya ng proyekto noon pang 2013 na nagustuhan naman aniya ng pamunuan ng DepEd kung kaya naisakatuparan ito at sinimulang buksan ngayong taon.

Sa kasalukuyan, mayroong 50 mag-aaral sa ilalim ng ALS ang nakikinabang sa aklatan.

Tiniyak naman ng mga namamahala ng pasilidad na mapapanatili ang kaayusan nito sa pakikipagtulungan narin ng mga katutubong benepisyaryo. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

hanging-library

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s