Tagalog news: Usaping pagbaha sa Calapan, binigyang tugon

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 12 (PIA) – Binigyang-tugon ng pamahalaang lungsod ang problemang pagbaha na nararanasan ng mga mamamayan dito tuwing tag-ulan.

Kasalukuyang tinatapos na ang drainage canal sa kahabaan ng Bonifacio St., Brgy. Ilaya.

Ito ay may habang 80 metro at lapad na .60m na pinondohan ng isang milyong piso.

Sinimulan itong gawin noong nakaraang buwan at halos patapos na ngayon ang konstrusyong isinasagawa rito. Ang nasabing drainage canal na nasa sentro ng lungsod ay malaking tulong upang maibsan ang nararanasang pagbara nito na nagdudulot ng pagbaha sa kalsada na nakaaapekto partikular sa mga mag-aaral ng paaralang malapit sa lugar at sa mga taong nagsisimba sa Sto. Niño Cathedral.

Patuloy ang pag-usad ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaang lungsod kasabay ng pag-unlad bilang isang ‘competitive city’.

Isa lamang ito sa mga proyektong pang-imprastraktura na prayoridad ng pamahalaang lungsod sa pag-asang higit itong makapagbibigay ng kaunlaran sa mga mamamayan. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s