Tagalog news: Kaso ng Chikungunya sa bayan ng Odiongan, umabot sa 26 – PHO

ODIONGAN, Romblon, Oktubre 12 (PIA) — Umabot na sa 26 kaso ng hinihinalang chikungunya infection ang naitala ng Provincial Health Office (PHO) sa bayan ng Odiongan nito lamang Setyembre.

Sinabi ni Dr. Ederlina Aguirre, Provincial Health Officer, nagsimulang tumaas ang kaso ng chikungunya infection sa Odiongan simula noong August 26 hanggang Setyembre kung saan may pasyenteng na-confine sa Romblon Provincial Hospital na nakitaan ng sintomas ng nasabing sakit.

Batay sa tala ng PHO, sa Barangay Batiano ang may pinakamaraming kaso na naitala kung saan umabot sa 17 ang suspected cases ng ganitong sakit.

Ang iba pang barangay na mayroon ding kahalintulad na kaso ay mula sa Barangay Tabing-Dagat, Bgy. Budiong at Barangay Dapawan.

Sa 26 kaso ng sakit na ito, anim dito ang kumpirmadong tinamaan ng virus matapos magpositibo sa isinagawang test sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon pa kay Dr. Aguirre, hindi naman nakakamatay ang nasabing virus ngunit nahihirapan ang pasyente dahil sa sakit ng mga kasu-kasoan sa buong katawan na mararamdaman nito.

“Hindi siya deadly katulad ng dengue, pero yung joint pains, lagnat, at iba pang sintomas, yun ang magpapahirap sayo,” paliwanag ni Aguirre.

Patuloy naman umano ang pakikipag-coordinate ng PHO sa Municipal Health Officer at sa mga barangay officials upang mas mabantayan ang maaring pagkalat ng virus at nagsasagawa na rin ng mosquito misting sa mga apektadong barangay.

Paalala ng PHO, panatilihing malinis ang paligid ng mga tahanan para maiwasang makapamahay ang mga lamok na may dala ng nasabing virus.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s