Tagalog news: 9 ‘centenarian’ sa Puerto Princesa, kinilala ng pamahalaang panlungsod

PUERTO PRINCESA, Palawan, Okt 12 (PIA) — Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ang siyam na Centenarians kasabay ng ika-21 pagdiriwang ng Elderly Filipino Week sa pamamagitan ng isang linggong programang inihanda para sa mga miyembro ng Senior Citizens ng lungsod na ginanap noong nakaraang linggo.

Plaque of centenarian at insentibo mula sa City Government ang iginawad sa mga lolo at lola na nag-e-edad 100 na sina Caridad Garcia ng Barangay Matiyaga, Sofia Sibugan ng Sicsican; 102 taong gulang na sina Amil Adjarani ng Bagong Silang, Milagros Rollon ng Tagabinet; 103 taong gulang na sina Juana Dygico ng Tiniguiban, Carolina Francisco ng Tagumpay at Maximeno Garcia ng Barangay Maningning.

Kinilala naman bilang pinaka-matanda sa mga ito si Sebastian Hugo ng Barangay Concepcion na nag-e-edad 104 at 107 taong gulang na si Felisa Tolentino ng Cabayugan.

Sa kalagitnaan ng programa, binigyang diin ni Mayor Lucilo Bayron ang nararapat na pagpapahalaga sa mga nakatatanda na siyang pinanggalingan ng kasalukuyang henerasyon.

Ipinagmalaki rin ni Bayron ang programa ng Pamahalaang Lungsod para sa mga miyembro na tiyak aniyang natatanggap ng mga ito dahil halos lahat ay naka-rehistro sa opisina ng Senior Citizen’s Affairs (OSCA).

Sa kasalukuyan, umaabot sa 8.4 porsiyento ng residente ng lungsod ang naitatalang miyembro ng OSCA, mas mataas ito sa national average na mahigit sa anim na porsiyento lamang. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s