Tagalog news: 26 kooperatiba, ginawaran ng Certificate of Accreditation

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 12 (PIA) – isinagawa ng Sangguniang Panlungsod ng Calapan ang paggawad ng certificate of accredidation sa 26 kooperatiba at civic organization sa lungsod ng Calapan kamakailan.

Sa mensahe ni Vice Mayor Gil Ramirez sa harap ng mga kasapi ng ibat-ibang kooperatiba at civic organization, sinabi nito na napakahalaga na magkaroon ng opisyal na pagkilala ang pamahalaan sa mga kooperatiba at civic organization dahil malaking bahagi ang mga ito sa kaunlaran ng isang lungsod o bayan kaakibat ang responsibilidad.

Sinabi ni Ramirez na bagama’t hindi na bago ang ganitong sistema ng paggagawad at pagkilala ng pamahalaan sa mga kooperatiba at ibat-ibang civic organization dahil ito ay naaayon sa atas ng Department of the Interior and Local Government (DILG), gayunman, ang Sangguniang Panlungsod ay lubos na natutuwa at ikinararangal na maipakilala at maiprisinta sa publiko ang mga akreditong kooperatiba at civic organization ng Lungsod na maituturing na kabalikat ng pamahalaang lungsod ng Calapan sa patuloy na kaunlaran nito maging sa buong bansa.

Samantala, lubos namang ikinatuwa at pinapurihan ni Calapan City Mayor Panaligan ang Sangguniang Panlungsod ng Calapan sa maagap na pagtalima ng mga ito sa atas ng DILG ukol sa paggawad ng akreditasyon sa mga kooperatiba at civic organization sa Lungsod ng Calapan gayundin sa pagiging masipag at aktibo ng SP ngayon sa kanilang trabaho at pagbisita sa mga barangay. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s