Tagalog news: Surrenderees ng Oplan Tokhang sa Calapan, umabot na sa 1,310

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt 11 (PIA) ā€“ Umabot na sa bilang na 1,310 surrenderees ang naitala ng Philippine National Police (PNP) mula sa Operation Oplan Tokhang nito sa lungsod ng Calapan ayon sa pinakahuling ulat ng City Information Office.

Sa isang joint high level meeting na isinagawa kamakailan para sa peace and order situation ng lungsod, nagbigay ng kanyang saloobin si Mayor Arnan C. Panaligan tungkol sa bilang ng mga sumuko.

Aniya, kung walang programa para sa mga taong ito, nanganganib na bumalik ulit sa kanilang mga bisyo ang mga ito, kaya dapat mayroong alternatibong pagkakakitaan o anumang pagkakaabalahan ang mga adik at tulak na kusang loob na sumuko sa pamahalaan.

Binigyang-pansin ng alkalde ang limang pilot barangay na may pinakamataas na bilang ng drug personalities at imunungkahi niya sa naturang pagpupulong na gumawa ng resolusyon tungkol sa rehabilitation program na magkakatuwang na isasakatuparan ng pamahalaang lungsod, simbahan, sibikong organisasyon at higit sa lahat ang pamayanan.

Samantala, sa ulat ni PSUPT Jonathan P. Paguio, Calapan Chief of Police, i-prenisenta niya ang pagkakaiba ng crime value sa magkaibang taon. Ayon kay Paguio, noong Jan-Aug 2015 ay nakapagtala ang PNP ng 416 incidents samantalang ngayong Jan-Aug 2016 ay may 194 incidents lamang.

Ipinahayag din ng opisyal ang naging kaganapan sa PNP Project Double Barrel kaugnay sa mga sumuko na mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga sa lungsod.

Iniulat pa nito na sa 62 barangays ng Calapan. limang barangay dito ang nangunguna na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng surrenderees. Ito ay ang San Antonio,89; Ibaba West,85; Lumangbayan,79; Camilmil,69; at Canubing 1, 56. Sa kasalukuyan ay isinusulong dito ang programang Road to Recovery and Reintegration o mas kilala sa tawag na R3 ng Calapan City Council Forum na pinangungunahan ni Patrick Jorge Maquiran. Layunin ng programa na matulungan ang mga sumuko na makapag-bagong buhay. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s