Tagalog news: Pagsasanay sa produksyon ng bigas at iba pang agri-products, isinagawa

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 11 (PIA) – Isang pagsasanay tungkol sa produksyon ng bigas na tinawag na Integrated Focused Food Production (IFFP) ang isinagawa sa ilalim ng Angat Kabuhayan sa Agrikultura Program (AKAP) ng pamahalaang lungsod ng Calapan.

Labing anim na magsasaka ang dumalo sa naturang pagsasanay na ginanap kamakailan lamang sa Vencio’s Hotel and Restaurant, lungsod ng Calapan. Layunin ng pagsasanay na madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa lungsod upang umangat ang kanilang kabuhayan.

Ayon kay Mayor Arnan Panaligan, mahalaga ang agrikultura para sa lahat kaya hinimok niya na magtanim ang bawat pamilyang Calapeño ng gulay o ibang pananim na maaari nilang gamitin para sa kanilang sariling pagkain at pandagdag na rin sa kanilang kabuhayan upang maibsan ang kagutuman at kahirapan.

Samantala, kasunod ng training na ito ay isinagawa rin agad ang pagsasanay sa Vegetable Production at Poultry and Vermicompost Production para dagdag kita ng mga magsasaka ng lungsod ng Calapan. Ang gawain ay isinakatuparan sa pangunguna ng City Agricultural Services Department (CASD). (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s