9th Cooperative Convention sa Palawan, sa Oktubre 12-13 na

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Okt. 11 (PIA) — Nakatakda sa Oktubre 12-13, 2016 ang 9th Provincial Cooperative Convention na may temang “Palawan Coops: Exceeding the Limits, Aiming Excellence.”

Gaganapin ito sa Victoriano J. Rodriguez Multi-purpose Hall ng gusaling Kapitolyo. Ang aktibidad na ito ay kaugnay na rin sa pag-obserba ng Buwan ng Kooperatiba tuwing Oktubre taon-taon.

Sa pagpupulong ng Provincial Cooperative Develoment Council (PCDC) kamakailan, inihayag ni Provincial Cooperative Development Officer Victoria Ladica na handa na ang kanilang tanggapan sa isasagawang kumbensiyon at inaasahan na nasa 200 miyembro ng iba’t-ibang kooperatiba sa lalawigan ang lalahok dito.

Sa kasalukuyan ay nasa 138 indibidwal na ang kumpirmadong dadalo ayon na rin sa pag-uulat ng mga Municipal Cooperative Development Officer (MCDO) ng iba’t-ibang munisipyo na dumalo sa pagpupulong.

Si Regional Director Salvador V. Valeroso ng Cooperative Development Authority-Region IV ang isa sa mga pangunahing panauhin na naimbitahan sa nasabing kumbensiyon kung saan ibabahagi nito ang tungkol sa Cooperative’s Development Perspective.

Tatalakayin din dito ang hinggil sa kinakaharap ng mga kooperatiba na problema sa buwis kung kaya’t magiging tagapagsalita rin si Leonora Ruizol ang Revenue District Office (RDO) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang talakayin ang “Tax Incentives and Requirements for Cooperatives”

Maliban sa mga lectures, magkakaroon din ng Trade Fair sa dalawang araw na kumbensiyon upang maipakita ang mga lokal na produkto ng bawat kooperatiba na maaaring ipagbili.

Sa ngayon, isa sa mga isinusulong ng PCDC ay ang pagsasama ng mga maliliit na kooperatiba sa mas matatag at malalaking kooperatiba na may kahalintulad na negosyo. Ipinaliwanag ni PCDO Victoria Ladica na mas magiging malaki ang benepisyo nito sa mga maliliit na kooperatiba lalo na pagdating sa pamamahala ng kanilang mga proyekto. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s