Tagalog news: Tourism forum isinagawa sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Oktubre 10 (PIA) — Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-siyam na Tandikan Festival tuwing Tourism Month sa nagdaang buwan ng Setyembre sa lungsod ng Puerto Princesa, nagsagawa ng buong araw na tourism forum na pinangunahan ng Pamahalaang Panlungsod na may temang:“Tourism for all, promoting universal accessibility”.

Sa pagpupulong, inilatag ng pamunuan ng Puerto Princesa Underground River, City Tourism Office (CTO) at Provincial Tourism Office (PTO) ang mga ulat at kaganapan tungkol sa turismo ng lungsod at Palawan.

Nagbigay din ng impormasyon kaugnay sa turismo ang iba’t ibang suportang proyektong pang imprastraktura tulad ng Puerto Princesa International Airport (PPIA) na inaasahang magbubukas sa Enero ng 2017; Mga plano para sa pamamahala ng City Engineering Office pagdating sa trapiko at transportasyon; at public utilities ten-year development plan ng Palawan Electric Cooperative, Inc. (PALECO) at Puerto Princesa City Water District (PPCWD).

Nagbahagi naman ng kaniyang obserbasyon si Professor Eddie Nuque, senior fellow on tourism and governance ng De La Salle University, J. Robredo Institute of Governance, aniya, walang dapat ikabahala ang pamunuan ng siyudad sa napabalitang dinadaanan lamang ito ng turista patungo sa bayan ng El Nido.

“Sa naitatala noong taong 2014, nasa 70 libong turista lamang ang dumidiretso ng El Nido at San Vicente. Maliit aniya ito kung ikukumpara sa kabuoang dami ng turista na nasa mahigit 700 libo.” Ani Nuque.

Tinuran pa ni Nuque na normal lamang na maabot ang tuktok ng industriya ng turismo sa Puerto Princesa dahil sa pagkakakuha ng karangalan ng PPUR nang mapabilang ito sa New Seven Wonders of Nature sa buong mundo.

Gayon pa man, bilang istratehiya, iminungkahi rin ng propesor na maliban sa PPUR, kinakailangan paring makapag-paunlad ng mga bagong tourist destination sa siyudad upang lalo pang makahikayat ng mga bisita.

Samantala, napapanahon ang pagpupulong upang ma-plano nang husto ang mga dapat na paghandaan lalo pa’t dumarami ang namumuhunan na nagpapatayo ng mga hotel sa lungsod at pagdagsa ng mga turista. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s