Tagalog news: Temporary access road sa bayan ng San Fernando, winasak ng baha

SAN FERNANDO, Romblon, Oktubre 10 (PIA) — Ang temporary access road sa Brgy. España, San Fernando, Romblon (Sibuyan Island) ay nawasak o sinira ng malakas na agos ng ilog bunsod ng malalakas na pag-ulan noong Martes ng gabi hanggang kahapon.

Ang naturang kalsada ang pansamantalang komokonekta sa bayan ng San Fernando at sa ilang bayan sa Sibuyan Island.

Inilagay ang pansamantalang kalsada sa nasabing baranggay dahil hindi pa natatapos ang konstruksiyon ng itinatayong bagong tulay.

Problema ngayon ng mga biyahero at residenteng dumadaan sa nasabing kalsada dahil malayo na kanilang iikotin patungo at paluwas ng bayan ng San Fernando.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Fernando, wala namang nasaktan sa kasagsagan ng malakas na ulan at noong panahong bumigay ang kalsada.

Patuloy rin umano nilang minomonitor ang patuloy na pag-uulan sa lugar at binabantayan din ang posibleng pagtaas ng ilog upang mabigyang abiso ang mga naninirahang residente na malapit dito.(JG/DM-PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s