Tagalog news: Paggalaw ng lupa, nararamdaman ng mga residente sa San Andres, Romblon

SAN Andres, Romblon, Oktubre 10 (PIA) — Nangangamba ang ilang mga residente ng bayan ng San Andres, Romblon sa kanilang nararamdamang paggalaw ng lupa simula pa noong nakaraang buwan.

Kaugnay nito, binisita ng mga tauhan ng DOST at PDRRMO ang Barangay Agpudlos, San Andres upang magsagawa ng inspeksiyon o kumpirmahin ang naturang ulat at kapanayamin ang mga mamamayan dito.

Ayon sa mga residente ng Bgy. Agpudlos, madalas silang nakakaramdam ng paggalaw ng lupa kung saan pati ang kanilang mga bahay ay tila inuuga noon pang Setyembre pero ipinagtataka nila kung bakit hindi ito nararamdaman ng kailang mga karatig bayan.

Sinabi ni Jabez Gadon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na agad nila itong ipinagbigay alam sa Office of the Civil Defense-Mimaropa upang tingnan kung ano ang maaaring dahilan ng mga pagyanig.

Subalit ayon sa OCD-Mimaropa, under maintenance umano ang seismic instrument ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bayan ng Odiongan, Romblon kaya hindi nila nababantayan ang pag galaw ng lupa sa kalapit na mga bayan.

Ipinaliwanag ng Philvolcs sa kanilang tanggapan, na ang ilang barangay sa San Andres ay nadadaanan ng Tablas Fault kaya posiblenng minor tremors ang kanilang nararamdaman.

“The minor tremors being felt in the area may be attributed to faulting activity of the aforementioned fault.” ayon sa OCD-Mimaropa.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s